Kasalanan Lyrics
6 Cycle Mind feat. Gloc 9
https://www.letssingit.com/6-cycle-mind-feat.-gloc-9-lyrics-kasalanan-sdk194p
[Chorus: 6 Cycle Mind]
Maari bang makausap ka di na biro ang nararamdaman
Nalungkot sa aking buhay mula nang ika'y matauhan

Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

Maari bang mapigilan pa ang yong di maaming binabalak
Nakalimutan mo na ang pagsasama di na ba kayang mapagbigyan

Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

[Gloc 9:]
Patawad ay isang salitang animo'y isang parusa
Ito'y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na
At di na maibabalik ang dating pinagsamahan
Parang putik sa mukha na pinahid ng pabalang.

Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Habang siya'y bigay ng bigay at ipinauubaya lahat ng
Makakabuti kahit pa ang huling butil ay iaabot sa iyo.

Parang ika'y isang inutil na hindi nagiisip wala kang
Nararamdaman subukan mang pumikit wala kang
Natatandaan lagi mong inaalala ang para lamang sa yo
Walang iba kundi ikaw at kailanma'y walang kayo

Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
Pag nasasaktan sumisigaw ng salitang pumupunit kahit
Sabihin mong kausapin ay di na sasagot akapin
Man ng mahigpit ay di mo na maa-abot (Patawad)

Di na mauulit
Di na uulitin
Sana'y tanggapin mo

Chorus:
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)
Patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan (kasalanan)

[Gloc 9:]
Tayoy'y nagkagulo't nagsigawan at halos magtulakan sa
Galit ko ako'y lumayas at di ka binalikan
Sinuyog ang lahat ng pangako at ang pagmamahal
Sumpaan natin sa isa't isa di rin nagtagal

Ang gabi ay laging umaga umaga'y laging gabi
Ako'y gumugising ng di ko kilala ang katabi
Paulit ulit na ganito ngunit ng aking makita larawan
Mo sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko

Hinanap ko ang tunay na sarili ko nakita ko nalaman ko
Ito ay nasa piling mo inipon ang lahat ng aking lakas
Ng loob ngunit bakit parang hindi rin maganda ang
Aking kutob.

Nilapitan ka at pilit na tinitingan sa mata
Ako'y nagdarasal na sabihin mo sa kin pwede pa
Ika'y hindi kumikibo at parang lumalayo tila pagibig
mo sa kin tuluyan na natuyo
Find more lyrics at LetsSingIt!
The Internet Lyrics Database
https://www.letssingit.com/