Music  /  G  /  Gloc 9  /  Lyrics  /  Sirena  /  Lyrics
Gloc 9
Genre
Hip-Hop, Rap
LetsSingIt Music Player
play all songs
LSI Rank
411 (+371) history
Fans
2, 0 of your friends
add to favorites

Moderator
lostmmr112
Song video
       
5.0
"brilliant"
7 votes  

Gloc 9 - Sirena Lyrics

(feat. Ede Dancel)

Song details
TitleSirena
ArtistGloc 9 feat. Ede Dancel
AlbumMKNM: Mga Kwento Ng Makata [2012], Track 5
GenreRap
Duration00:06:49
Rank (−) history »
Charts- view all »
Referring urlsview all »

Song lyrics
Chorus:
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa akin kayo ay bibilib

1st verse:
Simula pa nang bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito
Magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang-pula
Sa bubblegum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili anong panama nila
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama na tila di natutuwa
Sa tuwing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal parang pilik matang kulot

Chorus:
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa akin kayo ay bibilib

2nd verse:
Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo?
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
Sa dapat makita ng inyong mata?
Sa tuwing nanunuod ng liga ay laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa
Kahit de kalyo na sa tapang
Kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman Itay, di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

Chorus:
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila
Ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa akin kayo ay bibilib

3rd verse:
Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayu-layo, ni hindi makabisita
Kakain na po Itay, nakahanda na'ng lamesita
Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dating matipunong katawan
Kaya sa'yong kaarawan susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakadaster
Isang gabi ako'y iyong tinawag, lumapit ako sa'yong tabi
Ika'y tumangan, kumapit ka sa aking kamay
Kahit hirap magsalita, anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa akin kayo ay bibilib

Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko'y di tutumba
submitted by Ray on August 13th, 2012
corrected by migsmat on September 29th, 2012




More songs you're probably interested in :

  • same album
  • same artist
  • popular on LSI
  • new on LSI


0 comments 

 Song comments
Be the first one to comment »